Mag-isa…

Malungkot mag-isa
Madalas nilalabanan ko lang
Minsan naiisip ko
Hanggang kailan
May mga pagkakataon
na parang ayoko na
Pero sa tuwing maiisip ko
Na dapat ko itong gawin
Para sa kanila
Muling bumabalik sa realidad
Na hindi maaari
Dahil paano sila
Nakatanaw sa apat na sulok ng aking silid
Naiisip na sana’y kasama ko
Ang mga taong mahal ko
Hindi sa hindi ako masaya
Abo’t abot nga ang pasasalamat ko
Sa Diyos Ama sa lahat lahat
Subalit pagka minsan
Dinadalaw ako ng lungkot
Ng mga alaalang kasama ko sila
Kasabay sa hapag-kainan
Kabiruan, Kakuwentuhan.
Hindi kailanman mapapantayan
Ang kasiyahan na sila’y kapiling ko
Sa bawat okasyon
kahit sa isang simpleng araw
Kahit matagal na panahon na ang lumipas
Miss ko pa din sila
Ika nga sanayan lang
Subalit batid ko sa sarili ko
Na kailanman hindi mapapantayan
ang ngiti at kasiyahang
Kapiling ang mga mahal ko sa buhay.
Lumipas na naman ang isang araw
Isang araw na mag-isa…
Sinasabi sa sariling ngumiti,
at magpakatatag, salamat sa Diyos
dahil Siya ang tibay ng loob ko.
Kung kaya’t kagaya ng mga araw na nagdaan
at mga araw na darating pa
Patuloy na nanalangin
Na kahit pansamatala’y
Lilipas din ang lungkot na nadarama.

“Nakatanaw sa apat na sulok ng aking silid
Naiisip na sana’y kasama ko
Ang mga taong mahal ko. “

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s