Sa Baligtad kong Mundo

Ibinaba ko ang telepono, napaupo  sa isang sulok.

Pumikit ako.

Tila biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo.

Naramdaman kong nangingilid ang mga luha sa aking mga mata.

Hindi ko na namalayan nang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata.

Babaybayin na naman ba ang mundong ito naluha nakagapos sa isang bagay na walang katiyakan?

Batid ko isang araw hindi na ako iiyak,

hindi na papatak ang mga luha.

Subalit hindi sa mundong ito.

Kung hindi sa baligtad kong mundo…

” Kung minsan may mga saloobing mas mabuting sarilinin na lang dahil kailangan, tanging ang Maykapal lamang ang laging handang makinig…Salamat sa Kanya.”